Translate to

  • Translate to...
  • Translate to...
  • Translate to...
  • Translate to...
  • Translate to...
  • Translate to...
  • Translate to...
  • Translate to...
Print E-mail

 Ang Samahan ng Villa Maria ay nakabatay sa values (values-based) at di-pinagkakakitaang organisasyon na naghahandog ng mga de-kalidad na serbisyo at mga oportunidad sa pagpapabuti ng buhay ng mga matatanda, mga bata at yaong mga may-kapansanang may sapat na gulang. Ang aming layunin ay “lumikha ng mga pagpipilian at bumuo ng mga komunidad na inklusibo, naitataguyod at mapagkalinga.”

Mga Serbisyo sa May-kapansanan – Ang pangkat ng mga Serbisyo sa May-kapansanan ng Villa Maria ay marubdob na sumusuporta sa mga may-kapansanan upang makamit ang kanilang mga personal na layunin at pangarap. Binibigyang-daan ng mga kawani, sinusuportahan at hinihimukayat ang mga tao upang lumahok nang husto at pantay-pantay sa loob ng komunidad, at lumilikha ng iba’t-ibang landas at oportunidad na kanilang napili. Kasama sa mga hanay ng aming serbisyo ang Suportadong Akomodasyong may Kasama (Shared Supported Accommodation), respite (pamamahinga) na nakatalaga sa pasilidad ng may-kapansanan at naibabagay, mga pagpipiliang pang-arawan para sa may sapat na gulang, mga suportang inihanda para sa indibidwal, pamamahala ng kaso at suporta para sa mga tagapag-alagang matatanda. Sa mga katanungan, tumawag lamang sa (03) 9855 7616 o (03) 9855 7618
 
Mga Serbisyo sa Edukasyon – Sinusuportahan ng Villa Maria ang mga batang may kapansanan at mga naantala sa kanilang pag-unlad. Nakikipagtulungan ang Villa Maria sa mga pamilya upang tiyakin na ang bawat bata ay makakakuha ng mga komprehensibong programa sa edukasyon, pag-unlad at terapi upang matulungan silang mapaunlad nang lubos ang kanilang potensyal na kaisipan, pisikal, emosyonal at ispiritwal. Sinusuportahan ng aming Serbisyong Namamagitan sa Unang bahagi ng Pagkabata (Early Childhood Intervention Service) ang mga bata mula sa 0 hanggang 6 na taong gulang. Naghahandog ang St Paul’s College ng nagtutulay na programa para sa mga batang ang edad ay pang-prep at ang pag-aaral sa iskuwelahan ng mga batang may gulang na 5 hanggang 18 taon kung saan sila ay tatanggap ng intensibong suportang pang-indibidwal upang maihanda sila sa buhay ng mga may sapat na gulang. Upang magtanong tungkol sa Serbisyong Namamagitan sa Unang bahagi ng Pagkabata (Early Childhood Intervention Service), tumawag lamang sa (03) 9855 7850; upang magtanong tungkol sa St Paul’s College, tumawag lamang sa (03) 9855 7700
               
Mga Serbisyo sa Komunidad – Ang malawak na hanay ng mga serbisyo sa komunidad ng Villa Maria ay tumutulong sa matatanda at kanilang tagapag-alaga na manatiling aktibo at may ugnayan sa kanilang komunidad. Ang mga serbisyo ay makukuha sa Metropolitan Melbourne, Regional Victoria at rehiyong Southern Riverina ng New South Wales. Kasama sa mga natatanging programa para sa matatanda ang mga pakete o programa (package) sa pag-aalaga ng matatanda na pinondohan ng Commonwealth, kasama ang mga paketeng CACP, EACH at EACH Demensya, mga programang suporta para sa tagapag-alaga, kasama ang mga mas nakababatang tagapag-alaga, mga tagapag-alaga sa kalusugan ng pag-iisip, at mga tagapag-alaga ng mga taong may matindi/malalim na kapansanan; mga programa sa araw at magdamagang respite, mga serbisyong rehabilitasyon at suportang pamahay. Upang magtanong, tumawag lamang sa 1300 650 615
 
Pag-aalaga sa Matatanda sa Tahanan ng Matatanda – Ang Villa Maria ay may apat na pasilidad sa pag-aalaga ng matatanda sa tahanan ng matatanda sa Prahran, Berwick, Bundoora at Wantirna* Ang aming mga pasilidad sa pag-aalaga ng matatanda sa tahanan ng matatanda ay may kumpletong akreditasyon at nagbibigay sa mga residente ng mga pinakamataas na posibleng pamantayan sa pag-aalaga. Ang saligan ng pamamaraan ng Villa Maria sa pag-aalaga ng matatanda sa tahanan ng matatanda ay ang pagsuporta sa iba’t-ibang mga pangangailangang panglipunan at pangkultura ng mga residente, ang pagtataguyod ng mga positibong relasyon at paglikha ng mga oportunidad para sa mga residente upang masiyahan sila sa mga gawain sa komunidad at sa pakikipagkaibigan. Upang magtanong, tumawag lamang sa 1300 845 525
*Tandaan lamang na ang pag-aalaga sa matatanda sa tahanan ng matatanda sa Wantirna ay kasalukuyang nakasara dahil sa ibayong pagpapaunlad nito. 
 
Pamumuhay na nagsasarili para sa matatanda. Ang Villa Maria ay may dalawang pagpipilian para sa pamumuhay na nagsasarili ng mga matatanda.
 
Ang Athelstan Camberwell ay isang pook na matitirhan sa pagreretiro (retirement village) na kasalukuyang tinatayo pa lamang at matatapos sa kalagitnaan ng 2012. Kapag natapos na ito, ang mga residente ay magtatamasa ng mga bagong pamantayan sa maluhong apartment para sa pamumuhay na nagsasarili sa komportable at maginhawang lugar na malapit sa Burke Rd shopping precinct, Rivoli Cinemas, mga restoran, mga park, at mga pasilidad na panlibangan at isport kung saan madaling makakuha ng sasakyang pampubliko. Upang magtanong, tumawag lamang sa (03) 9882 5800
 
Ang mga unit sa pamumuhay na nagsasarili na tinayo at pinapamahalaan ng Kagawaran ng Pamahay ay nasa Wantirna at Bundoora. Ang mga residente ay kailangang matasa ng tanggapan ng Pamahay bilang karapat-dapat sa pampublikong pamahay. Nasa Villa Maria ang karapatang mag-isponsor sa pagtanggap ng mga residente sa mga yunit para sa pamumuhay na nagsasarili. Upang magtanong, tumawag lamang sa (03) 9855 7600
 
Mga oportunidad sa pagboboluntaryo. Ang Villa Maria ay itinatag ng mga boluntaryo noong 1907 at ginagampanan pa rin nila ngayon ang mahalagang papel upang makamit ang aming layunin na makalikha ng mga pagpipilian at makabuo ng mga inklusibo, maitataguyod at mapagkalingang komunidad. Ang Villa Maria ay nagtatamasa ng suporta ng higit sa 300 na boluntaryo. 
Ang pagboboluntaryo sa Villa Maria ay isang pagkakataon upang makilahok sa iyong lokal na komunidad, maibahagi ang iyong mga kasanayan, makipag-ugnayan sa mga taong katulad mo ang pag-iisip at makatulong sa buhay ng mga tao. Maaari ka ring matuto ng mga bagong kasanayan, magtamo ng mahalagang karanasan sa trabaho, magkaroon ng tiwala sa iyong sarili, at masiyahan! 
Upang magtanong, tumawag lamang sa (03) 9855 7755
 
Mga oportunidad sa pagsuporta. Ang kapasidad ng Villa Maria na panatilihin at palaguhin ang mga serbisyo nito ay posible lamang sa pamamagitan ng patuloy na mga pagpuna at suporta mula sa komunidad. Malugod na tumatanggap ang Villa Maria ng mga donasyon gaano man ito kalaki o kaliit. Maaari kang magbigay ng minsanang donasyon, maging regular na mag-aambag , suportahan ang aming kasalukuyang kahilingan, mag-iwan ng pamana sa iyong huling testamento o maging suporta ng korporado. Upang malaman kung paano mo kami matutulungan, tumawag sa (03) 9855 7641
 
Kung kailangan mo ng tulong ng mga Tagapagpaliwanag, tumawag lamang sa Translating and Interpreting Service (TIS) (Serbisyo ng Pagsasalin at Pagpapaliwanag) sa kanilang pambansang numero na 24-oras Telepono: 13 14 50 sa halaga ng lokal na tawag, at hilingin na mai-konek ka sa isa sa mga numero sa itaas at sila ang makikipag- ugnayan sa amin para sa iyo.

Website – www.villamaria.com.au

 
VILLA TWEET
Follow the latest Villa Maria tweets.
 

    By A Web Design Company

    STAY SOCIAL
    Join the Villa conversation.
     
    Twitter Youtube Facebook